Ang pagpapakasal ay isang napakahalagang pangyayari sa buhay ng isang magkapareha at ito ay isang uri din ng legal na kontrata. Sa Ontario, ang Batas sa Pagpapakasal ay isang ordinansang nagtatakda ng mga kautusan kung paano isasagawa ang pagpapakasal. Kung kayo ay nagpapaplano ng pagpapakasal, isaisip ang mga sumusunod na mahalagang impormasyon.
Sa anong edad ako ay nararapat upang magpakasal sa
Ontario?
Ikaw ay nararapat na nasa 18 taong gulang upang
lisensyadong magpakasal sa Ontario. Kung ikaw ay 16 o 17 taong gulang, maaari
kang magpakasal kung mayroong pahintulot ng mga magulang. Maaaring may mga
hihilinging kabawalan o paghihigpit.
Maaari bang mapilit ako ng aking pamilya o ninuman na
magpakasal?
Ikaw ay hindi dapat mapilit o mapuwersa ninuman sa
pagpapakasal. Sa dahilang ang pagpapakasal ay isang uri ng legal na kontrata,
ikaw ay dapat na kusang makisali at ito ay dapat boluntaryong isasagawa.
Kailangan ko bang kumuha ng lisensya sa
pagpapakasal?
Karamihan sa mga sitwasyon, kung ikaw ay magpapakasal
sa isang seremonyang relihiyon o kasal-sibil, kailangan mong kumuha ng lisensya
mula sa iyong lokal na munisipalidad.
Gayun paman, kung ikaw ay magpapakasal sa isang seremonyang relihiyon, maaari kang maging karapat-dapat na magpakasal sa pamamagitan ng banns o pagbabalita ng kasal (pamamalita sa mga detalye ng intensyon sa pagpapakasal sa inyong simbahan, moske o sinagoge). Makipanayam sa isang opisyales ng inyong simbahan para sa mga karagdagang impormasyon.
Paano ako makakakuha ng lisensya sa
pagpapakasal?
Sumangguni sa tanggapan ng inyong lokal na munisipal
upang kumuha ng pormularyo sa pagkuha ng lisensya sa pagpapakasal. Matapos
kumpletuhin ang pormularyo, sariling mong iprisinta ito upang makakuha ng
lisensya sa pagpapakasal. Siguruhing magdala ng ID o pagkakakilanlan, katulad ng
sertipiko ng kapanganakan (kasama ng mga sertipiko sa mga pagbabago ng pangalan
kung mayroon man), kasalukuyang pasaporte, Rekord ng Paglapag Bilang Dayuhan o
kard ng Pagkamamamayang Canadian, kasama ng iba pang ID o pagkakakilanlan na may
larawan. Mayroong bayad sa pagkuha ng lisensya sa pagpapakasal. Sumangguni at
alamin sa tanggapan ng inyong lokal na munisipal ang kasalukuyang halaga ng
babayaran. Ang lisensya sa pagpapakasal ay mabisa saan man sa Ontario sa loob ng
tatlong buwan mula sa petsa ng pagkuha.
Sino ang binibigyang pahintulot na magsagawa ng
pagpapakasal?
Ang pagpapakasal sa isang seremonyang relihiyon ay
isinasagawa ng isang miyembro ng isang kilalang samahan sa relihiyon na siyang
binigyang pahintulot na magsagawa ng pagpapakasal sa Ontario ayon sa Batas sa
Pagpapakasal. Ang taong ito ay nararapat na rehistrado sa Pangkalahatang
Tanggapan ng Tagapagrehistro upang magsagawa ng pagpapakasal. Ang listahan ng
mga rehistradong opisyales ng relihiyon ay makikita sa http://www.serviceontario.ca/. Isang
huwes, hustisya ng kapayapaan o isang kawani ng munisipal ay maaaring
makapagsagawa ng isang kasal-sibil mula sa awtoridad ng isang lisensya sa
pagpapakasal.
Maaari ba akong magpakasal sa pamamagitan ng internet o ng telepono?
Maaari bang tumayo o kumatawan ang isang tao para sa akin?
Hindi,
magkasama pareho ang babae at lalaking ikakasal sa pagsasakatuparan ng kasal
kasama ng dalawang mga saksi. Matapos ang seremonya sa pagpapakasal, ang
mag-asawa, ang nagsagawa ng kasal at ang mga saksi ay kailangang pirmahan ang
rehistro ng pagpapakasal.
Maaari ba akong magpakasal sa Ontario kahit hindi ako nakatira
doon?
Oo. Kung ikaw ay nakatira sa labas ng Ontario o mula sa ibang
lalawigan, sumangguni sa munisipalidad kung nais mong magpakasal upang makakuha
ng mga karagdagang impormasyon.
Paano ako makapagpapakasal muli kung ako ay
diborsiyado?
Kung ikaw ay diborsiyado sa Canada, kailangan mong
dalhin ang orihinal na kopya ng korte-sertipiko ng huling hatol, huling
kapasiyahan o sertipiko ng diborsiyo sa tanggapan ng inyong lokal na munisipal
na pinagkunan ng lisensiya ng pagpapakasal. Sumangguni sa tanggapan ng inyong
lokal na munisipal para sa mga karagdagang impormasyon.
Kung ikaw ay diborsiyado sa labas ng Canada, kailangan mong kumuha ng pahintulot mula sa Pamahalaan ng Ministro ng Mga Serbisyo bago ka bigyan ng lisensiya sa pagpapakasal. Para sa pahintulot, ipadala ang mga dokumento sa Pangkalahatang Tanggapan ng Tagapagrehistro o Office of the Registrar General, Marriage Office, P.O. Box 4600, 189 Red River Road, Thunder Bay, ON P7B 6L8:
Ang isang pormularyo ng aplikasyon ng lisensiya sa pagpapakasal, isang pormularyo ng Salaysay ng Taong May Responsibilidad at isang iminumungkahing balangkas para sa isang sulat ng opinyon mula sa abugado ay makukuha mula sa mga karamihan ng tanggapan ng munisipal.
Paano ko maiparerehistro ang pagpapakasal?
Ipadadala ng
taong nagkasal ang pinirmahang lisensya ng pagpapakasal sa Pangkalahatang
Tanggapan ng Tagapagrehistro upang ito ay iparehistro.
Paano ako makakukuha ng sertipiko ng
pagpapakasal?
Matapos ang pagpapakasal, makatatanggap ka ng Rekord
ng Pagsasakatuparan ng Kasal mula sa taong nagsagawa ng kasal. Ang dokumentong
ito ay naglalaman ng mga pangalan ng mag-asawa, petsa ng pagkakasal, pangalan ng
mga saksi at ang impormasyon kung isinagawa ang kasal sa pamamagitan ng lisensya
o banns o pagbabalita ng kasal. Ito ay hindi legal na rekord. Ang Sertipiko ng
Pagpapakasal ay nagpapatunay lamang ng kasal na isinagawa. Maaari kang makakuha
ng aplikasyon para sa sertipiko ng pagpapakasal mula sa http://www.serviceontario.ca/.
Kailangan ko bang baguhin ang aking pangalan matapos akong
magpakasal?
Marami kang pagpipilian. Kung nais mong makakuha ng mga
impormasyon tungkol sa iyong pangalan, bisitahin ang website sa http://www.serviceontario.ca/.
Legal ba ang aking pagpapakasal kung mayroon akong sertipiko ng
pagpapakasal sa Ontario?
Ang korte lamang ang nagpapasiya kung ang
iyong pagpapakasal ay legal. Ang Pangkalahatang Tanggapan ng Tagapagrehistro ang
nagrerehistro ng mga kasal na isinagawa sa Ontario batay sa Batas sa
Pagpapakasal. Ang sertipiko ng pagpapakasal ay isang opisyal na rekord ng
pagpaparehistro ng pangyayari ngunit hindi nagpapahayag ng legal. Kung mayroon
kang mga katanungan tungkol sa pagpapahayag ng legal, kailangan mong sumangguni
sa isang abugado.
Kung ako ay nagpakasal sa ibang bansa, paano ako makakukuha ng
sertipiko ng pagpapakasal?
Kailangan mong sumangguni sa tanggapang
kinasasaklawan ng kung saan isinagawa ang pagpapakasal at humiling ng sertipiko
ng pagpapakasal.
Paano kung mayroon pa akong mga katanungan? Saan akon maaaring
makakuha ng mga impormasyon?
Maaari kang makakuha ng mga impormasyon
mula sa internet sa http://www.serviceontario.ca/. Maaari
ka ding tumawag sa Pangkalahatang Tanggapan ng Tagapagrehistro o Office of the
Registrar General sa Toronto sa 416-325-8305 o kung sa labas ng Toronto (libreng
linya) sa 1-800-461-2156.
Pebrero 2008 Pahina 2 ng 2